Home
nasaan ako nang mamatay si cory aquino
Written by Gerrie Anne Unto   
Tuesday, 31 August 2010

Article by Sister Irish Dominado

http://threesticksofwatusi.wordpress.com/2010/08/01/nasaan-ako-nang-mamatay-si-cory-aquino/

Dinatnan akong gising ng Agosto.

Dahil ito sa halos kalahating araw na pagtulog. Tinulugan ang mga bagay na dapat tapusin. Ewan ko, feeling ko bigla na lang akong na-stress. Feeling ko kelangan ko ng isang total pahinga. Kaya sa kabila ng init sa loob ng kwarto, hindi ko pinigilan ang pagdating ng antok.

Nagising akong masakit ang ulo. Kumain, sa pag-aakalang maya-maya’y mawawala din ang sakit. Pero hindi ito nangyari. Malalim na ang gabi nang maisipang uminom ng gamot. At kumaing muli sa pag-aakalang ito ang magdadala ng antok.

Sabi nga ng isang kaibigan, mamaya maghahanap ka na niyan ng alak para makatulog. Sagot din ng isang sis sa Facebook status kong, “When you can’t sleep, eat” ay “shot.” Sana nga. Namimis ko na rin ang ganung buhay. Yung iinom dahil hindi makatulog.

Last Updated ( Tuesday, 31 August 2010 )
Read more...